Ang Sinabi ni Chip Tao – Sa Totoo Lang

Tagalog-in na natin ito para magkaintindihan tayo ng lubus-lubusan mga kapwa Pinoy at huwag na natin isama ang mga dayuhan. Kung kahihiyan man ang kinalabasan, tayo tayo lang ang nakaka-alam.

Alam nyo, marami akong nabasang komentaryo ng mga Pinoy tungkol sa column ni Chip Tao dahil nilait raw niya ang lahing Pilipino sa pagsabi niya na ang Pinas raw ay a nation of servants at ang napansin ko, parang chorus line tayong sabay sabay na nagsisigaw na putulin ang ulo at ari ng hambog na Intsik na ito. Hindi ko na tatalakayin kung ano ang dahilan kung bakit sinabi ni Chip Tao ito dahil ang post kong ito ay hindi tungkol sa politika. Ang nais kong siyasatin ay – bakit tayo nasaktan sa sinabi niya ?

Ang unang tanong ko – sa bansa natin, ano ang tingin natin sa mga yaya at katulong? Hindi naman sa paga-ano, may pagka matapobre tayo dahil sa Pinas, ang mga katulong ay sinisuweldohan natin ng mababa sa minimum wage , walang day off, walang benefits. Sapagkat sila ay pinapakain at pinatitira natin sa mga bahay natin, parang tituturing natin na sobra sa sapat ang benepisyo na natatamo nila. Ang totoo ay sila ay parang alipin. Wala silang kinabukasan sa kanilang trabaho. Ngayon, kung ang Pinoy ay lumabas sa Pinas at naging katulong o yaya sa ibang bansa – anong kaibahan – dahil ang mga amo nila ay ibang lahi at sila ay kumikita ng dolyares? Matapobre tayo sa mga katulong sa bansa natin subalit sang-ayon tayo sa mga umalis at namamasukan sa mga estranghero – di yata’t double standard tayo ?? Ang masakit pa, mga degree holder pa ang mga umaalis at pinagmamalaki pa natin – ano ito – sobrang inferiority complex na ibinibigay natin sa estranghero ay katulong na nag-aral sa kolehiyo?

Si Chip Tao ay Asiano at sa Asia dahil sa class system, matapobre rin siya katulad natin. Ang kaibahan lang, walang namamasukan sa kanyang bansa na katulong dahil ang bansa ay mayaman at mataas ang living standards kaya kumukha sila sa ibang bansa. Kung ano ang tingin nya sa katulong -Pinoy man o Intsik- sa bansa niya ay sya rin ang pagturing natin sa mga katulong sa bansa natin. Pareho tayong matapobre kagaya niya. Gayun pa man din, saludo ako sa mga bansa na binigbigyan ng immigration papers ang mga contract workers na katulong pakagatapos ng tatlong taon na pagta-trabaho nila upang sila ay maging malaya na humanap ng ibang trabaho at umunlad at makuha ang kanilang mga pamilya. Itoy katunayan lamang na ang pagsisilbi bilang katulong ay hindi habang buhay na kontrata. May karapatan din ang tao na umunlad katulad ng iba.

Eto pa – ang mga politico natin, sugod marino at akala mo kulang na lang mag declare ng war sa bansa ni Chip Tao subalit ano ba ang nagawa nila sa bansa ? Dahil sa kanilang kasakiman at kasuwapangan, ang Pinas ay namulubi at napilitan ang mga tao na magtrabaho na katulong sa ibang bansa. Ang mga ungas na politico ay panay ang satsat subalit kulang sa gawa para sa bansa kaya walang kaunlaran ang Pinas. Etong naiisip ko – kinagagalak ng mga politico natin na magpadala ng maraming domestic helpers sa abroad para sa mga dollar remittances kahit marami ang na-aabuse ng kanilang mga amo lalong lalo na sa Middle East. Inaasahan kuno ng bansa ang remittances subalit ano ang ginagawa nitong mga unggoy na politico sa kaunlaran ng bansa natin?

Kung talagang sincere tayo sa pag ka upset sa comments ni Chip Tsao, bakit hindi natin tini-training ang mga anak natin to be domestic helpers, nannies DITO MISMO sa bansa natin? Hindi ba ang sabi ng karamihan marangal ang trabaho ng mga namasukan na katulong sa ibang bansa – bakit kaya itituturing natin ito na low class pag sa bansa natin ? Bakit inilalaan natin ang trabaho ng katulong sa mga pinakamahirap sa bansa natin? Umunlad lang ng bahagya ang buhay natin, tayo ay may katulong na sa bahay. Anong tawag natin dito – oppression ng mga mahihirap?

Sang-ayon ako na si Chip Tao ay naging insensitive sa damdamin ng Pinoy ngunit bago tayo magta-tatalak at mag ala-EDSA ulit sa issue na ito at pugutan ng ulo si Chip Tao tingnan muna natin ang mukha natin sa salamin baka tayo’y may pagkahipokrito rin na katulad niya.

Advertisements

48 Responses

  1. Yun na nga! Mahilig sa double standard ang mga ibang tao rito. We easily get piqued whenever a foreigner says something negative about the country and its people and yet, wouldn’t have any qualms criticizing and making fun of other cultures. Tsk tsk!

  2. Unang una, ako’y walang kaalam alam sa isyu tungkol sa Intsik na yan. Pero sang-ayon ako sa iyung mga paglalahad. Totoo naman hindi ba na sa ating bayan mismo ay hindi pantay ang tingin natin sa mga katulong natin. Wala na nga silang day off wala pang ekasktong oras ng trabaho, kumbay on call sila 24/7. Natamaan ako sa iyong salaysay kahit ba lumaki akong wala kaming katulong sa bahay.

    Pangalawa, nasira ang panata kong di mag blog or bloghop nitong semana santa dahil masyadong interesante ang iyong topic.

    Pangatlo, sana kayo ay may maligaya at matahimik na pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Kristo.

    (O ayan ha, tagalog yan :D)

  3. Sngl – ang totoo bro, hindi maganda ang sinabi ni Chip tao sapagkat binatayan nya ang credibility ng Pinoy, kasama na ang gobyerno natin batay sa pag-export nito domestic helpers sa mundo. Siya ay isang hambog at bagay lang na sya ay makahagip ng mas malaswang paglalait. Sana sa sinabi nya magmulat tayo sa katotohanan, na mukhang hindi pa natin naalis ang epekto ng Spanish colonization. Ito rin ang kinakatakot ko – na ang mga kapwa nating 3rd world or developing countries ay ma stereotype tayo. Sa katunayan ay naramdaman ko rin ang stereotype dito, amongst kapwa immigrants kahit pabiro.

  4. Ewok – haha.. pasensya ka na at naistorbo at nasira ko yung Easter retreat mo 🙂 Ayan, binigay ko na ang link sa article tungkol kay Chip Tao. BTW wala ako sa bahay ngayon dahil sa long weekend. Happy Easter 🙂

  5. Dalawang linggo nang tapos and paksang ito sa isang Filipino blog na pinapasyalan ko. If people read closely what he said, may puntos naman siya; katulad halimbawa: a) don’t flex your muscles to your servants – to me this simply means, Hoy Pinas! Wala kang ilalaban sa China in terms of warfare. b) I think he was just aghast of the fact na, ang daming college graduates sa Pinas na ang bagsak eh, tsimoy/tsimay lang. Which is a true statement, no matter how define it. Di naman siguro lumaki ang isyu na ito kung hindi niya nasabi yung “A nation of Servants”. That was the part that got to the nerves of the majority. Well, to me at least.

    We don’t know the person personally, and for others to portray his race in a negative way, calling him chinky names were counter-productive. HE WAS THE ISSUE, NOT THE CHINESE PEOPLE. Go after him, not the Chinese people. Pati chinese food, pinagtatawanan ng iba. It’s a charade.

  6. TrueBlue – alam mo, para sa akin, hindi ako gaanong tumahol kay Chip Tao kasi ang sinabi niya ay totoo – na tayo ay number 1 na exporter ng servants sa mundo. Ang problema ko ay the way he said it, the way he linked the issue sa Spratleys na kung baga, walang binesa ang Pinoy, huwag kabiliban ang Pinoy government dahil tingnan mo, supplier siya ng katulong sa mundo. aray.

    Sa post kong ito, hindi ko nilabas ang galit ko kay Chip Tao. Ang gusto kong itanong ay – bakit tayo nasaktan. Ano ang lunas? Mahalaga ba ang image ng Pinoy sa mundo o hindi? Yun lang at sana naman, ma realize natin na ang mundo ay salbahe at maraming mga countries na nagpapaligsahan ng kakayahan sa new global economy. Sana hindi ito maka apekto sa impression ng Pinoy. Meron akong pakiramdam na maraming foreigners, esp Asian na nagiisip katulad ni Chip Tao tungkol sa atin. Gayon pa man din, tayo lang ang masisi natin, sapagkat we are the authors of our own misery. Masyado tayong mabait at mapakumbaba. Sometimes I say to myself – screw that supposedly godly nodble idea of giving the other side of your face to be slapped. That’s recipe for disaster.

  7. Aba, Tagalog! Sa totoo lang kapag may nasasabing di maganda tungkol sa Pinoy, ako nasasaktan din dahil most of the time totoo siya and I can only do so much to change whatever negative perception other cultures have of us. Nakapagturo na ako sa mga foreigner na ang tingin pala nila sa mga Pinay sa bansa nila prostitutes, at nakakainis kasi ako itong guro na nagtratrabaho ng maayos. Pero marami rin kasing prostitutes na Pinay sa totoo lang, kaya di sila masisi.

    Totoo yung mga sinabi mo, dito ang baba ng tingin sa katulong at kulang sila sa benepisyo at pasweldo. Tayo rin mismo nagdidiscriminate sa kapwa natin Pilipino, whether because of social status or ethnicity or even just accent. At tayo rin naman we stereotype people from a particular country or race.

    • Kat – Tagalog ba… sensya ka na sa grammar kasi born in Visayas ako hehe 🙂 Nasa Quebec City ako ngayong Easter long weekend at dahil free ang internet sa hotel, eto medyo maraming idle time kaya nakaka-respond sa comments 🙂

      Alam mo, totoo maraming prostitutes sa Pinas subalit kung tingnan mo ang ibang bansa, mas grabe pa. Nagkataon lang na ang oldest profession ay laganap sa buong mundo at sa ibang bansa, legalized pa , yikes. Stereotyping is common, lalo na dito na maraming immigrants na nagpapaligsahan. Nag pinagtataka ko lang e low class ang tingin natin sa katulong sa Pinas – bakit imi-namarket ng gobyerno natin ang ating mga kababaihan na maging katulong sa ibang bansa?

  8. eto sana tatahakin ko last week, kaso napag isip-isip ko rin ang mga naisulat mo. tama ka. totoo namang nakuha natin ang ugaling pagka mata-pobre ah. korek ka dyan.

    sa totoo lang, every time na may ganyang mga comments, grabe ang mga reaksyun agad. ano kaya, mangyayari kaya yung hindi tayo [individuals and government alike] yung di tayo mag react sa susunod na comment ng mga banyaga? siguro manahimik na rin lang sila sa kakapuna sa atin. 🙂

    tingnan mo ang mga amerikano, nag bow si Obama sa King ng Saudi ba yun? Uproaor agad. ha!

    no one is spared of these kind of behaviour. siguro minsan manahimik na lang tayo sa mga petty comments na alam naman natin ang katotohanan.

    HAPPY EASTER!

  9. BOG! PAK! KABLAG!
    O, ano Juan, natauhan kana?

    “screw that supposedly godly nodble idea of giving the other side of your face to be slapped”

    hehe, I liked that statement. 🙂

  10. Ipanema – sanabi mo “siguro minsan manahimik na lang tayo sa mga petty comments na alam naman natin ang katotohanan”. Totoo. Di ba may kasabihan din, “truthful words hurt”. I am not trying to defend Chip Tao but was feeling na lilitaw ang isang katulad niya sooner or later. In fact, maraming Chip Tao sa mundo, ibang lahi at tumatahimik lang.

    Ang isa pa, marami sa ating Pinoy na bulag sa katotohanan. aray.. Happy Easter to you too .

  11. Blogusvox – parang minsan naisip ko, wala na ang mga kastila sa ating bansa, tayo naman ang dumadayo upang maninilbihan? Siguro resulta ito ng brainwashing natin na ayos ang sobra pagpakumbaba, ang magpaapi sapagkat ang maykapal ang magbibigay raw ng gantimpala sa iyo.

    Iniisip ko ang ibang kultura masyado silang nagalala sa kanilang kapatid o anak na babae o asawa na – ano kaya ang mangyayari sa kanya sa ibang bansa, baka apihin siya ng husto, baka mapahamak ? Sa ibang kultura lumalabas na mas mahalaga ang safety ng anak, kapatid o asawa nila sa bwisit na pera na yan.

  12. i wouldn’t even pretend to comment in Tagalog because I can suck at it. Haha!

    I agree with you. And like I said over at jeff-reiji’s blog, we never learned to choose our own battles. Then again, it’s better to have a people who overeact, than have a people who don’t care at all.

    • Barry – bakit bro. Visoy ka rin ba ? hehe 🙂

      As far as over reaction is concerned sa tingin ko nadadala ng emotions dahil karamihan sa mga taong gustong putulin an ulo in Chip Tao , mata pobre rin naman sa mga katulong sa bansa natin. Maraming mga kababayan tayo na hindi alam ito – sabak lang ng sabak ng pakigpagtahulan kaya hindi matatapos ang mga kantyaw na yan. Inilabas ko lang ang nararamdaman ko na kung ayaw natin ma criticize ng kagaya ng sinabi ni Chip Tao na in the first place totoo kaya lang ubod ng kayabangan ang pagsabi niya, ayus-ayusin natin ang strategy ng development natin, ang pursuit of prosperity ng ating mamamayan. Hindi ako sang-ayon sa strategy ng gobyerno o sa ispirito ng Pinoy tungkol sa maging number 1 powerhouse ng supplier ng katulong sa buong mundo dahil itoy hindi tunay na paraan para sa kaunlaran at nagbibigay lang ng dahilan na tayo ay kantyawan ng ibang mga bansa, lalo na sa Asia.

  13. I read a little bit about this controversy when I was in Pinas. But does it really matter what some newspaper columnist think? Was he anybody before this controversy? Now if he was a politician or somebody in power, then that’s different.

  14. Wil – he is a columnist of Hongkong Online who wrote about the Spratleys at sinama ang issue ng nation of servants sa column niyang War At Home. Obviously kung ganito ang over reaction ng Pinoy hindi mahalaga kung superstar columnist siya o hindi. Ang mahalaga ay isiniwalat at nagsabog siya ng paglalait sa cyberspace against the Pinoy.

  15. ang saya naman BW, nag tagalog ka din! sarap tuloy ulitin ito sa linggo ng wika… HNM! (halakhak ng malakas)

    • Jeff – minsang lang naman bro, para tayo tayo lang at hindi maintindihan ng mga banyaga 😉 Ano ba yang linggo ng wika – language week? Pag itong post ang inulit natin baka malintikan tayo .. aray. 🙂

  16. Oo nga pare no. Dapat matutunan natin respetuhin ang ating mga katulong, bibigyan ng mas matas na sahod kung talagang sincrere tayo. Baka nga tayo pa ang naggugutom sa kanila. Yung mga politician, maganda kaya ang pakikitungo nila? Alam ko si Rep. Roilo Golez, mabait yan, pero yung iba, parang mas ganid pa kesa sa mga boss sa Hongkong.

    • Major Tom – Sinabi mo ” Dapat matutunan natin respetuhin ang ating mga katulong, bibigyan ng mas matas na sahod kung talagang sincrere tayo. nga tayo pa ang magugugutom sa kanila” HNM ! ( Halakhak Ng Malakas) 🙂

      Alam mo bro, eto lang ang tanong ko – kung tayo ang sa kalagayan ng katulong , magugustuhan kaya natin ang below minimum wage pay, walang set working hours, walang paid vacation leave, walang benepisyo? Kung hindi natin nagugustuhan, bakit natin ginagawa ?

      Kung baga ang ultimate picture of success natin ay magkaroon ng magandang sahod, malaking bahay, dalawang bagong kotse sa garahe, anak pumapasok sa exclusive school at ano pa? natural – katulong, yaya, drayber. Hindi pa natin maalis ang practices ng mga kastila. Hanggang ngayon, dala pa natin. Kailangan may mga mahirap sa bansa natin sapagkat ito ang papel nila – magsilbi sa mga meron.

  17. di ko tinrato katulong ko ng mababa. kung ano pagkain namin, ganun din sa kanya. May day-off sya kaso di nya ginagamit, takot sa maynila. bibigyan ko na nga dapat sya ng SSS kaso umalis na. meron nga palang batas na dyan yung Kasambahay kaso di pa napapatupad at mahirap ipatupad

    • Tutubi – good for you bro. subalit marami na grabe ang pa trato sa katulong, minsan kung sino pa ang ubod ng yaman, yun pa ang mas matindi. Maganda sana kung matutupad ang reform na sa sinabi mo.

  18. wow bw full-length tagalog and you hit the spot! LOL i enjoyed this so much. tama ka naman diyan pero alam mo i found na medyo nationalistic din ang biglang o.a na pagaklas ng mga pinoy matapos ang isyu na to. for what it’s worth ang nagawa ng actions natin ay pasikatin si chip tsao. LOL

  19. Prinsesa – una kong Tagalog post. Hirap kasi walang spell checker eh HNM ! ( Halakhak Na Malakas) 🙂

    Gusto ko ang sagot mo.. totoong umiral ang pagka nationalistic natin dahil sa pagduro ni Chip Tao at siguro napalaki ang papel niya subalit sa tingin ko ang pagkantiaw na ganito ay higit pa sa isang laro o biruan. Nasugatan ng husto ang pride natin dahil may sinabi siyang totoo. Bukod sa galit natin na natural lang, dapat din natin malaman ko saan tayo nakatayo. Ang isang imporanteng tanong – mahalaga ba ang image natin bilang Pinoy?

  20. I totally agree with you. I detest what that jerk CT said but I can only shake my head in disgust with our countrymen who are up in arms over his statement. Instead of working to fix the ills of our society, they would rather waste time and go after a person who stated the obvious.

    • Panaderos – samakatuwid pards, ang galit natin ay dalawa – kay Chip Tao at sa atin mismo dahil bagsak ang score natin para sa ikauunlad ng ating mamamayan. Ang problema, maraming Pinoy na ang galit kay Chip Tao lamang at ang akala e wala tayong pagkukulang, ugh 😦

  21. Maalala ko lang, bakit walang masydong tomahol kay Boyet Fajardo, eh mas masahol pa yung ginawa niya mismo sa kapwa Pinoy? Low esteemed na Pinoy eh lumuhod din. Yan ang hirap sa atin, it’s always the Rich or in Power who’s constantly flexing their weak muscles to the poor. That scene was so disgusting but it’s only in this blog I’m commenting. Most of the blogs I’m visiting had no posts on this well-below-the-belt incident..

    If Chip Tsao did this in Hongkong to one of the tsimoy/tsimay, naku almahan at tahulan ang halos lahat ng Pinoy sa mundo pati na ang low-life regime ni Ate Glue.

    • TrueBlue – alam mo bro, nasubaybayan ng missis ko etong Boyet Fajardo case sa YouTube at talaga namang nakapangigil yung ginawa nya pinaluhod sa harap nya ang isang clerk na bading katulad nya para humingi ng patawad. Bakit wala gaanong press coverage kahit sa showbiz tabloids ? dalawang dahilan lang ang naisip ko – dahil walang “political gain” na makamit ang press at ang showbiz tabloids naman ay parang walang ganang i-iexpose ang bading na Fajardo siguro dahil marami syang kabaro doon 😉

      May sinabi si Pinoy author F. Sionil Jose sa kanyang article Why The Philippines is Standing Still na nabasa ko dito sa local paper Planet Philippines at i-quote ko yung simulat niya :

      “We are poor because we have lost our ethical moorings. We condone cronyism and corruption and we don’t ostracize or punish the crooks in our midst. We allow their practice because our loyalty is to family or friend, not the larger good”

  22. Grabe ang reaction nung ibang officemates ko sa article nya. Yung isa nga plano nya ipapasyal nya family nya sa HK, pero dahil sa mapanglibak na article nya, sa ibang country na lang sila pupunta.

    • Witsandnuts – hindi ko rin masisisi ang reaction ng officemates mo subalit maliban sa matinding galit natin, ang isang mahalagang tanong ay, paano natin malutas itong kantiaw at paglalait ? Ang ang ginagagawa ng gobyerno natin ?

  23. Napasabak ka ng Tagalog ha. Pero ang galing naman. Kasi lagi kang passionate sa mga topics mo kaya mapa-inglis o mapa-Tagalog na i express mo talaga ang gusto mong sabihin. You make very good points. Wala akong gaanong experience sa mga katulong kaya hindi ako gaanong maka pag comment tungkol dyan. Nung maliliit pa kami, usually ang mga naging katulong namin eh mga pinsan ko na galing sa probinsya. Meron ngang isa na pinag-aral ng mama ko. So I think that was a good thing. Siguro hindi lang naman a matter of pagiging hipokrito. Ito na kasi ang nakamulatan ng mga kababayan natin. Pero katulad nga ng sabi mo, we should start looking at ourselves in the mirror bago mag-react. It’s time for a change. Maybe it should start from the gov.t . Pero malabo yon no?

    • Niceheart – napasabak ba ? Na-alaala ko pa ang Tagalog subjects ko sa high school – yung Panitikan at Balarila hehe 🙂

      Iba siguro yung pagkupkup ng isang kamag-anak para matulungan. Katulad din namin, napaaral namin ang isang pinsan ng nanay ko na naging yaya ng anak ng kapatid ko.

      Dito sa Canada nakakarinig ang Pinoy ng hinding magandang biro. Sa opisina ng misis ko, nung pinagusapan yung ” where are you originally from? ” at sinabi ng misis ko ay galing sya ng Pinas biglang sabat nitong isang Indyano, “o yung pinsan ko, ang katulong nya ay Pinay”. Minsan sa opisina ng misis ko nagbiro yung isang officemate ” siguro magresign na lang ako t mag anak ng sunod sunod. Kukuha na lang ako ng Pinay na nanny na magalaga kasi mas makakamura ako”. Anong maramdaman mo kong marining mo ito ? Sa totoo lang sis, pareho tayong nag immigrate sa bansang ito- hipokrito yung tao na magsasabi ipagmamalaki nya ang narinig nya. hindi sa inilalait ko yung mga Pinay nannies dito dahil sila ay walang kasalanan. Ang sinisisi ko ay ang gubyerno natin na in-export sila kung saan saan panig ng mundo, na walang kasiguraduhan ang kanilang kinabukasan at nagrereklamo at naiinsulto pa kunyari pag narinig sa mga dayuhan na ang Pinas ay land of servants.

  24. i think the answer to your question of course is yes, mahalaga ang image ng pinoy, not pinoy in itself but tayong lahat na nagaklas dahil sa sinabi niya, dahil self image natin yun syempre. pambihira personalan na yun no. i remember what conrado de quiros said on his column: i do not know which is worse, to be called a servant, or to be called a servant by a chinese person. mataray diba?

    nga pla, enable mo yung threaded comments sa settings mo para sunod-sunod ang usapan! suggeestion lang naman. LOL

    • Prinsesa – salamat sa tip mo about threaded comments – I turned it on at siguro gagana sa next post ko 😉

      Ang puntos ko lang naman ay – bakit i-niexport natin sa buong mundo ang trabaho na itinuturing natin low class sa bansa natin? Nuung na sa Quebec City ako, humanga ako sa mga Quebecers, kung paano nila pinahalagaan ang kultura nila, ang language nila, ang IDENTITY na hindi nagbago for 400 years ! sa tingin nila, proud sila sa history nila, mataas ang noo nilang magsabi, we want to be a country because we are a distinct society. Naisip ko, itong Pinas – Ano ang pag kaintindi natin ng pride of our heritage, history ang going forward, ano ang pagkaintindi natin sa ating identity ?

  25. nung unang lumabas ang issue gusto ko rin mag-react at maki-rally kung saan against Chip pero napaisip ako–bakit ba sobra tayong affected?hala!

    kaya pala..tama nga talaga siguro ang kasabihan na “what we hate in others is what we are”.

    tsk !tsk!

  26. totoo namang kainsu-sulto ang mga sinabi ng intsik na kolumnista. tama lamang na mag-react ngunit dapat din namang mag-react nang tama (objectively talaga ang ibig kong sabihin 😀 ). OA naman yung iba at hindi naman natin alam kung ang mga nagsireact nang sobra ay mabuti ang pakikitungo sa kanilang mga kasambahay.

    ito’y isang katotohanan na dahil sa di natin pagbibigay pansin sa mga maliliit na bagay nagiging manhid na tayo dito at pinaniniwalaan na natin na tama ang ating mga ginagawa. Kung walang pagliliming gagawin, hindi matutuklasan na tayo rin ay may malaking pagkukulang.

    • Bing –

      “ito’y isang katotohanan na dahil sa di natin pagbibigay pansin sa mga maliliit na bagay nagiging manhid na tayo dito at pinaniniwalaan na natin na tama ang ating mga ginagawa. Kung walang pagliliming gagawin, hindi matutuklasan na tayo rin ay may malaking pagkukulang. ”

      Totoo. Isa pa ayaw pa nating aaminin na tinamaan tayo yung comment ni Chip Tao, na ayaw natin matawag ang lahi natin na bansa ng mga katulong subalit padala tayo ng padala sa kanila sa labas ng bansa. nakapagtataka..

  27. hey bro nakalimutan mo atang banggitin (ako rin nakalimutan ko) itong isang delicate point: yung mga socalled katulong sa hongkong di naman talaga yan pangkatulong, mga professional halos lahat yan, matataas pinagaralan, so lalong masakit ang aroganteng phrase ni chip tsao. i could easily forgive him kaso di nakakatawa so-called satire nya eh. but i forgive him pa rin. di ko ikamamatay sinabi nya

  28. but you raise great points, esp. the hypocrisy thing

  29. it’s a case of someone who has no business rubbing it in when our wound is already too deep

    • Resty – dito na ako mag-rereply sa comment mo. btw, salamat sa pagdaan mo bro.

      Alam mo bro, sa himig ng kantiaw or paglalait ni Chip Tao, isang bagay ang lumilitaw na nakikita ko – apektado ang credibility in Pinas dahil ito’y number 1 exporter ng servants, lalong lalo ng mga tapos ng kolehiyo ang karamihan sa kanila. Ang tanong sa Pinas ay – bakit ganyan ang pagpalakad ng bansa nyo? Para bagang low performer tayo na bansa, menial labor ang ine-export natin samantalang sila e hi tech. Ang isa pa, ang boses ni Chip Tao ay maaring boses ng ibang bansa, lalong lalo na sa Asia, at tumatahimik lang. Marahil hindi nararamdaman ito ng Pinoy na naninirahan sa Pinas subalit pag sa labas ka ng bansa, ang lakas ng dating. Ang bawat bansa ay may image ika nga – kaaya-aya ba ang image natin na nag e-export tayo ng trabaho na low class ang pagturing natin sa ating bansa?

  30. Hindi ko kilala yung columnist na yun at yung issue so I cannot expound on it.

    Pero ito lang: hindi ako natutuwa na marami sa ating mga kababayan ang nag-aabroad para maging katulong or yaya, Hindi sa matapobre ako, pero di ko gusto na marami sa mga kababayan natin ang naaapi ng mga amo nila…yung iba pa nga nare-rape. Pero despite this, padala pa rin nang padala ang gobyerno ng mga domestic workers abroad para nga sa remittances na yan. I don’t blame some people if nag-decide silang to seek employment elsewhere…e wala masyadong opportunities sa atin e, so hindi mo masisisi. Nalulungkot ako sa situation sa ating bansa. Naaawa ako sa mga napipilitang mahiwalay sa pamilya at magtrabaho sa ibang bansa as servants. Hindi ito madali. Alam naman natin ng servants all over the world ‘mababa’ ang tingin ng tao, in general. Sino ba ang nag-ambition maging katulong given a choice? Wala masyado di ba?

    Teka parang di cohesive ang point ko, hahaha. Sorry. Hirap ako mag-express sa Tagalog nang maayos (pero dream ko yan). Muntik na akong bumagsak sa Pilipino in high school.

    P.S. Hindi naman lahat siguro matapobre. Meron namang mga ibang tao who treat servants nicely. I remember nagka-bestfriend ako na maid namin when I was 17 (kaedad ko sya). Sayang, she went back to Bacolod to join the NPA. O sya, yun lang. Napahaba tuloy ang aking kwento, LOL.

    • Jayed – salamat naman at naabutan mo pa itong post ko hehe 🙂

      Matagal ko ng gustong sabihin ito but maybe its time to say it now. Minsan niyaya ako mag golf ng isang vendor namin dahil nagpapasalamat sila sa contract na nakuha nila so I had to take a full day off at nagkita kami sa isang upscale course – lunch, game and then dinner. Tatlo sila at ako lang from my company. Napagusapan namin ang golf sa Pinas so nagkwento naman ako na sa Pinas, typically may caddy ka at may umbrella girl pa. Maysadong spoiled ang golfers doon sapagkat dito, walang caddy, except sa professional tournaments . Biglang sinabi ng isa – who is a senior manager of their company – alam ko yung sinasabi mo dahil nakapunta rin ako sa Manila. Yung katulong ko kasi Pinay. Ano ang naramdaman ko ? Sa incident na ito, wala ako gaanong naramdaman na hiya dahil – bakit, sino ba ang nagbigay ng contract sa kanila – di ba ako? Bakit ako mahihiya? ( walang kaugnayan ito sa kanta ni Didith Reyes ha :lol:) Subalit asiwa di ba? Yung tatlo ay puro puti – ewan ko lang kung anong iniisip nung dalawa.

      Totoo yung sinabi mo – hindi lahat mata pobre subalit bakit tayo nasaktan sa statement ni Chip Tao? Obviously, mababa ang tingin natin sa servants kaya nainsulto tayo. ang gobyerno naman natin secondary ang welfare ng my katulong na nag-aabroad. Primary at mas importante yung remittance nila arggh..

      • BW, salamat sa reply,

        Siguro di ako masyadong masasaktan sa column na yun. Pero having said that, dapat mabasa ko muna para maayos kung ma-discuss here nang maayos.

        In general, mababa naman talaga ang tingin sa servants. Mapa puti or mapa itim or brown. Kaya nga dito, hanggat maari mga hindi Swisso ang cleaning ladies or maids (for the super rich).

        Siguro mas naapektuhan ang mga Pinoy professionals…yung mga may pinag-aralan at may narating sa buhay in terms of career. Kasi parang nagegeneralize ng mga foreigners na lahat ng Pinoy ay katulong. Naiintindihan ko rin ang part na ito kasi naging victim ako ng ganyang generalization. But then again, di ko na rin masisi kasi totoo naman na maraming Pinoy domestic helpers sa Diaspora. Not to say na pangit na trabaho ang maging katulong (prosti…yun ang iba). Pero let’s face it, many people look down on servants.

        Pero dapat mabasa ko muna ang column na yan at babalik ako, hahaha.

        • Jayed – “victim ng generalization” too yan lalo na sa multicultural countries like Canada and US na mayroong paligsahan and mga lahi at common ang stereo typing.

          Isa pa, ang gubyerno natin nagpalabas ng bagong term – “caregiver” at sinama na ang katulong, yaya, care givers for the elderly at nurses sa term na yan siguro para hindi masyadong mababang pakinggan. Sa totoo lang, ang bansa ay dapat magisip kung ang maging number 1 exporter ng katulong ay nakakabuti sa image bansa, lalong lalo na sa mga umaalis, kung anong klaseng buhay ang sinasapit nila sa ibang bansa. Siguro expression din into ng inferiority complex natin.

  31. totoo naman lahat ng sinabi ni chip tao. mashadong in denial ang mga pilipino lalo na ang mga pulitiko sa reality. dahil sila at busy sa pagbubulsa at paglulustay ng mga binabayad nating mga buwis.

    and in additon to that, pati din yung sinabi ni alec baldwin about “mail-order bride” di ba totoo naman yun. isa sa mga reason kung bakit lumalakas ang turismo dito sa pilipinas ay dahil maraming naaakit at nauutong mga foreigner ang mga pinay natin. lets just admit it, mahilig talaga ang mga foreigners sa so called “exotic beauty.” or shall we say sa mga hindi kagandahang mga pinay. Try to go to SM Mall of Asia at napakarami mong makakasalubong dun na mga pinay na may sunod sunod na foreigners na shopping-galore dahil all expense paid by their foreign boyfriend. and whats worst?! ang mga d kagandahang mga pinay kakaiba kung makaasta na feeling mayaman. mga mukhang paa naman na may kalyo na hindi na kaya ng foot spa at foot scrub.

    just a thought. . . reality bites. . . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: